KYOTO – Ang sikat na gintong pavilion na templo ng Kinkaku-ji sa Kyoto ay nagsisimula ng sumailalim sa pagsasaayos ng mga shingled roof nitong Martes sa gitna ng pandemya.
Ang pavilion na may gold leaf at ginituang entrada ay lugar na kinikilala bilang isang World Heritage Shrine sa sinaunang kabisera ng Japan. Sa ngayon hindi ganap na makikita ng mga bisita ang templo sa loob ng tatlong linggo dahil ito ay mapapalibutan ng mga scaffholding hanggang sa ganap na matapos ang proyekto sa Disyembre.
Sa halip, isang temporaryong malaking photo panel sa Buddhist Temple ang itinayo noong Martes para makita ng mga manlalakbay at sumasamba, dahil ang mga materyales para sa proyekto ng pagsasaayos ng Kinku-Ji na sumailalim sa parehong renovation noong 2002 ay dumating.
Ang templo tulad ng maraming iba pang mga atraksyong panturista, ay nakakaranas ng malaking pagbagsak sa bilang ng mga bumibisita dahil sa pandemya ng coronavirus. Kaya naapagpasyahan nitong samantalahin ang mapanghamong sitwasyon.
“At dahil pagkakaroon ng napakaunting mga turista, naisip namin na gamitin ang sitwasyon at ang magandang pagkakataon na isa-ayos ang lahat ng kinakailangang tapusin na mga gawain.” Sabi ng isang opisyal sa templo.
Ang Kinkaku-ji, ay unang itinayo noong 1398, ito ay nasunog dahil sa isang arson attack noong 1950 at muling itinayo makalipas ang limang taon.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation