TOYAMA – Ang pulisya ng Toyama Prefectural Police ay naglunsad ng imbestigasyon matapos matagpuan ang isang bangkay malapit sa isang Special Education School sa Lungsod ng Toyama noong Lunes, iniulat ng Toyama Television (Setyembre 7).
Dakong 9:50 ng umaga, isang tauhan ng paaralan, na matatagpuan sa lugar ng Sakamoto, ay nakatagpo sa bangkay habang iniinspeksyon ang pinsala mula sa Bagyong Haishen.
Ayon sa kapulisan , ang katawan na bahagyang kalansay na ay nakasuot ng t-shirt at pantalon, na may taas na 160 sentimetro ang taas.
Ang biktima ay pinaniniwalaang namatay ilang araw bago ang pagtuklas. At dahil sa pagkabulok hindi pa matukoy ang kasarian at edad.
Isang bisikleta ang natagpuan malapit sa kongkretong kanal, dagdag pa ng mga imbestigador.
Pinagaaralan ng kapulisan na magsagawa ng awtopsiya na naka-iskedyul para sa Martes upang gamitin ang magiging resulta nito upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay at kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng biktima.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation