
KYOTO – Inaresto ng Kyoto Prefectural Police ang isang 30 taong gulang na babae na diumano’y itinago ang bangkay ng kanyang bagong panganak na sanggol sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Kyoto nitong nakaraang buwan, iniulat ng Kyoto Shimbun (Setyembre 25).
Dakong 6:00 ng umaga noong Setyembre 15, si Marino Motoyama,walang trabaho, ay itinago umano ang bangkay ng bata sa loob ng lababo pagkatapos niyang manganak.
Sa interogasyon, sinabi ni Motoyama na ang bata ay hindi humihinga ng kanyang ipanganak. “Binalot ko (ang bata) ng twalya, at nilagay sa isang plastic bag at itinago (ito) sa ilalim na istante sa lababo.”
Gayunpaman, ang resulta ng awtopsiya ay nagpapatunay na ang bata ay buhay nang ito ay isilang, ayon sa mga imbestogador. Kasalukuyang hindi pa matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol.
Si Motoyama ay nakatira kasama ang kanyang asawa at kanilang anak . Hindi alam ng kanyang asawa’t anak na siya ay nagdadalang tao, dagdag pa ng mga imbestigador.
Sa kanyang pagka-aresto sa salang abandoning a corpse nitong Setyembre 25, sinasabing bahagyang itinanggi ni Motoyama ang krimen.
“Inilagay ko ang sanggol sa lababo ng kusina dahil ayaw kong makita ito ng aking asawa,” salaysay ng suspek sa Ukyo Police Station. “Nag-panic ako kaya hindi ko sinasadya na itago ang bata.”
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation