Babae , nalunod habang sinusubukang iligtas ang mga batang babae sa ilog

Ang ina ng 10 taong gulang na batang babae ay tumalon upang subukan iligtas ang dalawang bata, ngunit sa kasamaang palad siya ay natangay ng mga alon bago tuluyang lumubog sa tubig.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

WAKAYAMA -Isang 49-taong-gulang na babae ang namatay matapos tangkaing iligtas ang dalawang bata na nahulog sa Ilog ng Hikigawa sa Shirahama, Prepektura ng Wakayama , ayon sa pulisya.

Ayon sa mga imbestigador, nangyari ang insidente dakong 12:45 ng hapon, Linggo. Kung saan dalawang batang babae , na may edad na 8 at 10, ang naglalaro malapit sa gilid ng ilog nang biglang nadulas at nahulog sa tubig, ulat ng Sankei Shimbun. Ang ina ng 10 taong gulang na batang babae ay tumalon upang subukan iligtas ang dalawang bata, ngunit sa kasamaang palad siya ay natangay ng mga alon bago tuluyang lumubog sa tubig.

Hindi nagtagal , ang ginang ay natagpuan at dumanas ng cardiopulmonary arrest state at kalauna’y binawian ng buhay sa ospital. Ang 8-taong-gulang na batang babae ay nasa kritikal na kondisyon, habang ang 10-taong-gulang na batang babae ay nagawang makalangoy sa baybayin nang mag-isa.

Dagdag pa ng mga imbestigador, ang namatay na ginang na kinilalang si Yukiko Tokuda, manggagawa sa isang nursing facility, ay nasa ilog kasama ang kanyang anak na babae at apat pang iba na pawang mag-aaral sa elementarya.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund