Sinabi ng Health Ministry ng Japan na ang mga batang wala pang dalawang taong gulang ay hindi dapat magsusuot ng face masks, dahil sa panganib na mabulunan at heatstroke.
Ipinahayag ng ministeryo noong Biyernes sa kanilang website ang mga patnubay para sa tamang pag-gamit ng face mask sa mga bata na nasa pre-school upang makaiwas sa impeksyon dala ng coronavirus.
Duo’y sinasabi na ang mga tagapag-alaga at matatanda ay dapat magtuon ng pansin sa kondisyon ng kalusugan ng mga bata kapag pinagsusuot sila ng face mask. Nabanggit na ang mga bata ay hindi kailangang magsuot ng anuman kung sa palagay nila ay may karamdaman ang mga bata.
Sinabi din ng ministeryo na ang mga bata na di bababa sa edad na dalawa ay hindi dapat magsuot ng face mask, sapagkat mahirap para sa kanila na alisin ito nang mag-isa o mag-sabi na sila’y nahihirapan huminga.
Nito lang Agosto, sinabi ng World Health Organization sa mga patnubay na ito para sa mga bata na may edad na limang taong pababa ay hindi kinakailangang magsuot ng face mask.
Noong Mayo at Hunyo, ang Japan Pediatric Society at iba pang mga grupo ay nagbabala na ang pagsusuot ng face mask ay mapanganib para sa mga batang wala pang dalawang taong gulang.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation