TOKYO – Isang malakas na bagyo ang tumama timog na bahagi ng Japan noong Martes at patungo sa timog na bahagi ng mga pangunahing isla ng bansa at sa Korean Peninsula.
Mahigit sa 20,000 mga tahanan ang nawalan ng kuryente, ayon sa Okinawa Electric Power Co. hanggang tanghali, ang Bagyong Maysak ay tumama sa paligid ng Okinawa, kung saan naka- base ang militar ng US, ngunit patuloy ang pagbibigay ng mga babala tungkol sa malalakas na hangin na maaaring maging sanhi ng pagbagsak ng mga kabahayan. Ang labis na pagtaas ng tubig ay nagbabanta din ng peligro.
Nauna nang sinabi ng Japanese Meteorological Agency na ang Maysak ay inaasahin din ang pagtama sa lupa ng bagyo sa Kyushu, ang pangunahing isla ng Timog Japan, ngunit ang kurso nito ay tila lumayo. Gayunpaman, ang malapit na pagdaan nito ay maaaring magdala ng malalakas na hangin at ulan.
Ang bagyo ay nasa kurso ng landfall sa South Korea sa Huwebes. Ang bagyong tumama sa Korean Peninsula noong nakaraang linggo ay nagdulot ng kalat at pinsala sa parehong North and South Korea.
Ang bagyong Maysak ay nagtataglay ng malakas na hangin sa bilis na 180 kilometro bawat oras ,at inaasahan ito ng bandang tanghali, ayon sa meteorological agency.
Ang mga katimugang isla ng Japan ay madalas na tinatamaan ng mga mudslide at mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation