Nagpasalamat si Punong Ministro Abe Shinzo sa publiko at hiniling sa ang kanilang pagsuporta sa kanyang kahalili na si Suga Yoshihide.
Nakapanayam si Abe sa mga reporter nang pumasok siya sa tanggapan ng punong ministro bago mag-9 ng umaga noong Miyerkules.
Ang punong ministro ay nag-balik tanaw sa kanyang pitong taon at walong buwan na pamumuno. Sinabi niya na ginawa niya ang kanyang makakaya sa pang-araw araw upang buhayin ang ekonomiya at protektahan ang pambansang interes sa bansa sa pamamagitan ng diplomasya, mula nang muling magkaroon ng kapangyarihan ang kanyang partido.
Dagdag pa ni Abe na ipinagmamalaki niya na kanyang tinanggal ang iba’t ibang hamon sa sambayanan. Sinabi niya na ang lahat ay naging posible salamat sa publiko. Idinagdag pa niya na nais niyang ipahayag ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa kanya sa panahon ng kagipitan.
Hiniling din ni Abe sa mga tao na suportahan ang bagong halal na punong ministro na si Suga at ang kanyang gabinete, at magkaroon ng pag-unawa para sa kanila. Ang gabinete ay mabubuo sa lalong madaling panahon.
Tinanong ng mga reporter si Abe tungkol sa kanyang kalusugan. Sinabi niya na patuloy siyang gumagaling salamat sa mga gamot na iniinom niya. Susuportahan niya aniya ang gobyerno ni Suga bilang isang mambabatas.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation