Abe, bumisitang muli sa isang hospital sa Tokyo

Ang pagbisita nito sa Keio University ay nauugnay sa kanyang pagpapagamot sa sakit ulcerative colitis at hindi dahil sa ibang karamdaman.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Prime Minister Shinzo Abe

TOKYO -Ang Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe ay muling bumisita sa isang ospital sa Tokyo noong Sabado, ito ang kanyang unang pagbisita mula nang ipahayag ang kanyang desisyon na magbitiw sa tungkulin dahil sa hindi magandang lagay ng kanyang kalusugan, iniulat ng lokal na media.

Ang pagbisita nito sa Keio University ay nauugnay sa kanyang pagpapagamot sa sakit ulcerative colitis at hindi dahil sa ibang karamdaman, ayon sa Kyodo News Agency, na nanggaling sa isang source sa Opisina ng Punong Ministro.

Nagsalita ang isang miyembro ng koponan ng tagapag-pahayag ng Punong Ministro na hindi alam ng kanilang tanggapan ang pag-bisita sa ospital ni Abe.

Si Abe, na patuloy na nakikipaglaban sa ulcerative colitis sa loob ng maraming taon, ay nagpahayag kamakailan ng kanyang desisyon na magbitiw sa pwesto noong Agosto.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund