Isang cluster infection (madamihang-hawaan) ang naganap sa 4 na pub sa distrito ng Takenotsuka 1-chome, Adachi-ku, Tokyo. Ayon sa mga opisyal ng ward, higit sa 100 na mga tao ang nahawahan sa lugar, ang lugar ay kilala rin bilang “Little Manila,” kung saan nakalinya ang mga Philippine pub.
Sa parehong lugar, unang na kumpirma ang cluster infection sa dalawang Philippine pub noong Hulyo 20, at pagkatapos nakumpirma ang dalawa pang tindahan. Ayon sa isang namamahala sa ward, mayroong iba pang mga restaurant kung saan lumabas ang mga nahawahan, at ang bilang ng mga nahawahan ay lumampas sa 100 kasama na ang pamilya ng mga empleyado.
Maraming tao ang pumupunta sa lugar mula sa labas ng Tokyo, kabilang ang southern Saitama prefecture. Samakatuwid, isinapubliko ng ward ang pangalan ng pub para ma trace ang inspeksyon. Bilang resulta, nakumpirma na may 10 mga customer ang nahawahan na dumayo galing sa ibang siyudad.
Yomiuri shimbun
Join the Conversation