Yakuza hindi nasiyahan sa serbisyo ng hostess club, inatake ang mga empleyado

"Hindi ako nasisiyahan sa serbisyo. Naghahanap ka ba ng away? "

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspYakuza hindi nasiyahan sa serbisyo ng hostess club, inatake ang mga empleyado

TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang miyembro ng isang sindikato sa umano’y pag-atake ng mga empleyado sa isang hostess club sa Lungsod ng Machida, ulat ng TBS News (Agosto 23).

Noong Mayo, si Masato Kanamori, isang 30-taong-gulang na miyembro ng Sumiyoshi-kai, ay umano’y sinuntok sa mukha ang isang lalaking empleyado sa kalsada sa labas ng bar.

Sinasabing sinaktan din niya ang manager ng bar gamit ang isang beer keg na may bigat na 6 kilograms.

Ang empleyado ay nagtamo ng mga pinsala na nangangailangan ng dalawang linggo pagpapagaling, sinabi ng pulisya.

Nang maaresto siya sa salang inflicting injury, tumanggi na magbigay ng kumento si Kanamori. “Makikipag-usap ako kapag dumating ang aking abogado,” aniya sa kapulisan.

Bago ang insidente, dumating sa bar si Kanamori kasama ang dalawang kakilala. Sa ilang mga punto, inudyukan niya ang mga sumunod na pangyayari sa pamamagitan ng pagpaparinig, “Hindi ako nasisiyahan sa serbisyo. Naghahanap ka ba ng away? ”

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund