TOKYO-Ang mainit na temperatura sa buong Japan noong Martes, na umaabot sa 40.5 degree sa Isesaki, Prepektura ng Gunma, dakong 2:30 ng hapon. Ito ang pinakamataas na temperatura na naitala sa Japan sa taong ito habang ang matinding init ay nagpataas din ng temparatura sa kanluran at silangang Japan pati na rin ang rehiyon ng Tohoku.
Naitala ng Tokyo ang 37.3 degree ng 2 ng hapon. Ang temperatura ay tumaas sa 40.4 degree sa Hatoyama, Prepektura ng Saitama , 39.2 degree sa Koga, Prepektura ng Ibaraki at 38.9 degree sa Toyama City, sinabi ng Japan Meteorological Agency.
Nagbigay ng babala ang ahensya tungkol sa heatstroke, hinihimok ang mga tao na uminom ng kahit isang baso ng tubig bawat oras, iwasang magtrabaho o lumabas ng bahay at gumamit ng air-conditioning habang natutulog sa gabi. Binalaan din nito ang mga tao tungkol sa pag-alis ng mga face mask habang nasa labas, hinihimok nila ang mga tao na dumistansiya ng hindi bababa sa dalawang metro ang layo mula sa sinuman kapag ginagawa nila ito.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation