Sinabi ng Ministry of Health na posible ang State of Emergency

Sinabi ng Minister of Health ng Japan na maaaring ideklara ng gobyerno ang isa pang State of Emergency kung ang bilang ng mga kaso ay biglang dumami sa kabila ng mahigpit na tuntunin laban dito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSinabi ng Ministry of Health na posible ang State of Emergency

Ang Minister of Health ng Japan na si Kato Katsunobu ay nagsabi na may  posibilidad ng isa pang State of Emergency sa buong bansa dahil sa pag-dami ng kaso ng novel coronavirus.

Sinabi ni Kato sa mga reporter nitong Martes na alam niyang ang mga lokal na awtoridad ay nagsasagawa ng mga hakbang upang mapaglabanan ang pagkalat ng mga impeksyon. Ngunit sinabi niya na maaaring ideklara ng gobyerno ang isa pang State of Emergency kung ang bilang ng mga kaso ay biglang dumami sa kabila ng mahigpit na tuntunin laban dito.

Ang Prepektura ng Okinawa ay nagpahayag ng sariling State of Emergency habang ang ibang mga munisipalidad ay humiling sa mga tao na pigilin ang mga hinde esensyal na paglabas at paikliin ang mga oras ng operasyon ng mga negosyo.

Sinabi ni Kato na sa kaso ng isa pang State of Emergency, maaabot ng gobyerno ang isang komprehensibong desisyon tungkol dito matapos ang pagtingin sa iba’t ibang mga tagapagpahiwatig at pakikinig sa pananaw ng mga eksperto. Sinabi niya na panatilihin ng pamahalaan ang malapit na pagtutok sa takbo ng mga kaso ng impeksyon at magpapalawak ng tulong tulad ng enhanced testing system kung kinakailangan.

Source and Image: NHK World Japan

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund