Si Abe , balik-trabaho pagkatapos ng kanyang medical tests

Sinabi ni Abe na lumabas ang mga resulta ng isang test na kinuha niya noong nakaraang linggo at sumailalim din sa mga karagdagang pagsusuri.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSi Abe , balik-trabaho pagkatapos ng kanyang medical tests

Ang Punong Ministro ng Japan na si Abe Shinzo ay bumalik – trabaho pagkatapos sumailalim sa mga medical check-up sa isang ospital sa Tokyo.

Nitong Lunes, Si Abe ay nag-tala ng pinakamahabang pamumuno sa tanggapan na umabot sa 2,799 na araw.

Sa parehong araw, si Abe ay bumalik sa isang ospital sa unibersidad sa Shinjuku Ward ng Tokyo kung saan siya ay diumano’y nanggaling noong nakaraang linggo. Sinabi ni Abe na lumabas ang mga resulta ng isang test na kinuha niya noong nakaraang linggo at sumailalim din sa mga karagdagang pagsusuri.

Sinabi ni Abe sa mga reporter na magpapatuloy siyang gawin ang kanyang makakaya sa kanyang trabaho at gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapanglagaan ang kanyang pisikal na kondisyon.

Ngunit may mga alalahanin sa loob ng Liberal Democratic Party at ang kampo ng oposisyon patungkol sa kalusugan ni Abe.

Sinabi ng policy chief ng LDP na si Kishida Fumio na inaasahan niya na ang punong ministro ay magpapatupad ng pamumuno habang maingat na pinapangalagaan ang kanyang kalusugan.

Ang dating LDP Secretary-General na si Ishiba Shigeru ay nagmungkahi na magpahinga si Abe , dahil bahagi din ito ng kanyang trabaho.

Sinabi ng Constitutional Democratic Party, Diet Affairs Chief na si Azumi Jun na inaasahan niya ang agarang pag-galing ni Abe dahil nais niyang hamunin ito sa isang sesyon ng Diet.

Mayroong pressure kay Abe na gumawa ng inisyatiba sa patuloy na paglaban sa coronavirus at sa mga tuntunin sa pagpapalakas at pagpapatibay ng ekonomiya habang pinangangalagasn ang kanyang kalusugan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund