Sapporo at Osaka , mga mag-asawa na LGBT may karapatan ng makatanggap ng supporta

Ang support system para sa mga biktima ng krimen at kanilang pamilya ay ipinanukala sa Osaka noong Abril at sa Sapporo ngayong buwan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSapporo at Osaka , mga mag-asawa na LGBT may karapatan ng makatanggap ng supporta

Ang mga mag-asawang tomboy, bakla , bisexual at transgender na officially recognized partnership sa Sapporo at Osaka ay karapat-dapat na makatanggap ng suportang pinansyal kung sila ay maging biktima ng krimen, isang pambihirang pagsasatupad ng panukala sa mga munisipalidad sa Japan, sinabi ng mga opisyal ng dalawang lungsod kamakailan.

Ang support system para sa mga biktima ng krimen at kanilang pamilya ay ipinanukala sa Osaka noong Abril at sa Sapporo ngayong buwan. Ang same sex marriage ay hindi kinikilala sa Japan,kung kaya’t karamihan sa LGBT partnerships ay hindi eligible na makatanggap ng benepisyo sa social security.

Ang system ay babayaran ang mga miyembro ng pamilya nang 300,000 yen sa kaganapan ng pagkamatay sa pamamagitan ng krimen, at 100,000 yen sa mga biktima ng karahasan o mga krimen na sekswal. Ito din ay magbabayad para sa mga serbisyo tulad ng counselling at housekeeping para sa biktima at kanilang pamilya.

Naitala nitong Agosto 14, ang 223 na mag-asawa na pawang LGBT ang nagdeklara ng kanilang partnership sa Osaka, habang ang Sapporo ay may 102.

Gagawaran ng Sapporo ang mga karapat-dapat na mag-asawa ng mga nasabing benepisyo kung mayroon silang notaryadong dokumento o iba pang pagpapatunay ng kanilang pagsasama.

Noong Hunyo, binasura ng Hukuman ng Distrito ng Nagoya ang ilkahilingan ng isang lalaki na baguhin ang desisyon ng prefectural commission na itinuring siyang hindi karapat-dapat para sa benepisyo bilang kasapi ng pamilya matapos mapatay ang kanyang same-sex partner.

Ang pagpasiya na ibasura sa kahilingan ay ibinatay sa hindi sapat na pagtanggap sa lipunan ng same-sex partnership ay umani ng batikos mula sa mga tagasuporta ng LGBT.

Si Fumiko Suda, isang abugado na sanay sa mga ligal na isyu na kinakaharap ng mga sexual minorities, ay nagsabing ang mga relasyon sa kaparehong kasarian ay “tanggap na sa lipunan.”

“Para sa (Osaka at Sapporo) na isama ang mga same-sex partners sa kanilang system ay nakapagpapatibay para sa mga involved parties. Inaasahan kong lahat ng mga pamahalaang lokal ay gawin din ito,” aniya.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund