SAITAMA – Ayon sa ulat ng Sankei Shimbun (Agosto 3), naglunsad ng imbestigasyon ang Saitama Prefectural Police kasunod ng pagtuklas sa bangkay ng isang babae sa Lungsod ng Saitama nitong katapusan ng linggo,
Dakong 9:50 ng umaga noong Agosto 1, isang lalaki na dumalo sa isang barbecue ang nag-alerto sa mga pulis matapos na matagpuan ang bangkay na lumulutang sa Ilog Arakawa sa Shimookubo na lugar ng Sakura Ward.
Ayon sa Urawa-Nishi Police Station, ang babae ay pinaniniwalaang nasa edad na 50s hanggang 80s, may katabaan at may taas na ng halos 155 sentimetro.
Ang biktima ay may suot na berdeng polo shirt at pulang shorts. Walang mga palatandaan ng panlabas na sugat, at walang mga personal na gamit na natagpuan sa pinangyarihan, ayon sa pulisya.
Kasalukuyang iniimbistigahan ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng bangkay.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation