Pinapayagan ng Japan ang mga na-stranded na banyaga na tech interns na makahanap ng ibang trabaho

Binuksan ang center noong nakaraang buwan upang magbigay ng payo sa mga dayuhan sa Japan tungkol sa trabaho, visa, batas at mga humanitarian issues.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Ipinahayag ng gobyerno nitong Martes na pinahihintulutan ng Japan ang mga dayuhang trainees na hindi makakauwi sa gitna ng pandemya ng coronavirus kahit na matapos ang kanilang mga teknikal na programa sa internship upang makahanap at lumipat ng trabaho at manatili sa bansa sa unang bahagi ng Setyembre.

Sinabi ng Immigration Services Agency na aabot sa 24,200 mga dayuhang nagsasanay ang na- stranded sa Japan ayon sa datus nitong Biyernes at ang bilang ng mga interns ay inaasahang lalaki pa, alinman sa mga kadahilanan ng paghihigpit sa paglalakbay sa bansa at buong mundo dahil sa pandemya o mga manggagawa na walang kakayanang makabili ng ticket para makauwi sa kanilang mga bansa.

Nitong Abril, ginawang posible ng ahensya na makahanap ng ibang trabaho sa ibang industriya maliban sa orihinal na naitalaga ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng novel coronavirus.

Ang programa na suportado ng gobyerno na itinatag noong 1993 para maisulong ang internasyonal na kooperasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayan at kaalaman sa mga industriya ng Japan sa mga umuunlad na bansa.

Pinapayagan lamang ang mga nagsasanay na magtrabaho nang hanggang limang taon sa mga itinalagang larangan sa ilalim ng kasalukuyang mga regulasyon.

Bilang bahagi ng pag-suporta sa dayuhan na manggagawa, nagpasya ang gobyerno noong Abril na magbigay ng isa pang karagdagang taon para patuloy na makapagtrabaho sa parehong larangan ang mga mangagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng visa para sa “designated activities”.

Ngayon ay makakahanap sila ng mga trabaho sa iba pang mga industriya dahil mahirap para sa kanila na makakapasok ng mga bagong trabaho sa parehong sektor sa gitna ng mga lumulubhang kondisyon sa ekonomiya ng Japan, ayon sa ahensya.

Magagamit ang telephone consultation sservicesna may 14 wika, kabilang ang English, Vietnamese at Chinese, at bukas mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa numero, 0120-762-029.

Binuksan ang center noong nakaraang buwan upang magbigay ng payo sa mga dayuhan sa Japan tungkol sa trabaho, visa, batas at mga humanitarian issues.

Karamihan sa mga banyagang trainees sa ilalim ng programang pang-teknikal ng Japan ay mula sa ibang mga bansa sa Asya. Sa pagtatapos ng nakaraang taon, ang Vietnamese ay nag-total sa higit sa kalahati ng kabuuang sa 218,727, na sinundan ng mga Intsik sa 82,370, Pilipino sa 35,874 at Indonesian sa 35,404, ayon sa Justice Ministry.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund