Sinabi ng mga mananaliksik sa National Astronomical Observatory ng Japan na ang meteor shower ang masasaksihan sa Miyerkules ng gabi kung tama ang mga kondisyon ng kalangitan.
Ang Perseid meteor shower ay nangyayari bawat taon sa bandang kalagitnaan ng Agosto. Ito ay isa sa tatlong pangunahing meteor shower.
Sinabi ng mga mananaliksik na ang pinakamagandang oras upang makita ang Perseids sa taong ito ay magsisimula sa bandang 9 p.m. at ang peak ay bandang 10 p.m. sa Miyerkules, oras ng Japan.
Sinabi nila na ang mga manunuod sa meteor shower sa ilalim ng isang malinaw na kalangitan sa peak nito ay makakakita ang halos 30 bulalakaw bawat oras. Ito ay mas kaonti sa karaniwan dahil ang buwan ay magiging maliwanag sa oras na iyon.
Sabi ng mga mananaliksik na ang pinakamagandang lugar upang makita ang meteor shower ay sa isang malawak at madilim na lugar malayo sa mailaw na mga bayan.
Ang kalangitan na walang ilaw na polusyon mula sa kalapit na bayan ay magreresulta sa magandang karanasan sa pagtingin.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation