Sa Saitama prefecture, 66 katao na ang nakumpirmang nahawahan ng coronavirus noong ika-22, kung saan 9 sa kanila ay mga foreigners, at napag-alaman na may kaugnayan ito sa mga community event, birthday party at wedding party.
Ang mga party ay ginanap sa hindi bababa sa tatlong mga lokasyon ng kasalan, kaarawan at community event mula sa unang bahagi ng kalagitnaan ng Agosto, Sa ngayon, walang Japanese ang nahawahan mula sa cluster.
Ang prefecture ay nasa proseso ng pagsisiyasat ng mga detalye ng mga invovle sa party at kanilang naging close contact.
Inihayag din na ang isang babae na nasa kanyang 90s na nakatira sa prefecture ay namatay.
Ang babae ay una ng pinasok sa isang ospital sa prefecture sa hinalang heat stroke, ngunit ang mga kasunod na testing ay nakumpirma ang impeksyon. Namatay siya noong ika-20 dahil underlying na sakit. (ANN News)
Join the Conversation