Ang mga tao sa Hiroshima ay gumawa ng mga paper cranes na sumisimbolo ng kapayapaan, bago ang ika-75th anibersaryo ng atomic bombing ng US sa Hiroshima.
Bawat taon, halos 13,000 mga string ng mga paper cranes ay ibinibigay sa Peace Memorial Park bago ang taunang seremonya sa Agosto 6.
Ngunit sa taong ito ay may mas kaunting mga paper cranes kaysa sa karaniwan, dahil sa pandemya. Ang mga taong bumibisita sa parke ay madalas na nagdadala ng mga paper cranes ay nabawasan. Ang mga tao sa buong bansa ay nagkaroon din ng mas kaunting mga pagkakataon upang magtipon at makagawa ng mga paper cranes.
Ngayong taon ang mga tao mula sa 10 mga kumpanya at ang lokal na konseho ng social welfare sa prepektura ay nagtatrabaho upang magkapagdagdag ng marami pang cranes sa display ng parke.
Sa isang bangko sa Hiroshima City, apat na empleyado ang nakita na nagtre-threading ng paper cranes sa mga strings. Sinabi ng empleyado ng Bank Nakano Etsumi na ginagawa nila ang mga cranes at umaasa sa kapayapaan, dahil sa taong ito ay ang ika-75 anibersaryo ng pagbomba.
Sa ngayon, higit sa 15,000 mga cranes ng papel ang ginawa ng lokal ng mga nakikibahagi sa inisyatibo. Ang mga paper cranes ay ipapakita sa parke sa tabi ng Children’s Peace Monument sa Miyerkules.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation