KANAGAWA – Isang batang babae sa high school mula sa Saitama Prefecture na gumamit ng game console upang mag-alerto sa mga pulis matapos
siyang ikulong at itali ng isang 44- taong gulang na lalaki sa tirahan nito sa loob ng isang buwan, pasiwalat ng kapulisan, ayon sa ulat ng TV Asahi (Aug. 7).
Dakong 7:35 ng gabi, noong Miyerkules, si Hiroyasu Goto, isang empleyado , ay diumano’y itinali ang batang babae sa isang bakal na tubo gamit ang lubid sa loob ng kanyang tirahan sa Tsurumi Ward ng Yokohama City.
Gumamit ang batang babae ng isang game console na konektado sa internet upang makapag mensahe sa web site ng Saitama Prefectural Police. Ang mga opisyales na rumisponde sa tirahan ay natagpuan ang batang babae na hindi sugatan.
Noong Huwebes, inihayag ng Yoshikawa Police Station na nakilala ng suspek ang batang babae noong nakaraang buwan. “Noong Hulyo 4, nakilala ko siya sa Shinjuku Ward at bumalik kami sa aking tirahan,” aniya.
Nauna nang sinabi ni Goto sa pulisya na nakilala niya ang batang babae sa online. Mga isang buwan na ang nakalilipas, ang pamilya ng batang babae ay nag-report sa pulisya na siya ay tumakas at naglayas.
Nagiimbestiga ngayon ang kapulisan upang malaman ang motibo ng suspek para makipagkilala sa batang babae.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation