Mga Nara Deers, nagpapalamig sa kanal ng parke sa napakainit na panahon sa Kanlurang Japan

Ang temperatura sa Nara, ay umabot sa 37.9 degree Celsius noong Agosto 21.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga Nara Deers, nagpapalamig sa kanal ng parke sa napakainit na panahon sa Kanlurang Japan

NARA – Ang mga sikat na usa sa Nara Park ay makikita na sinusubukang takasan ang init sa pamamagitan ng pagsiksik sa mga kanal sa tabing daan sa matinding sikat ng araw at napakainit na panahon ng tag-init sa Japan.

Ang temperatura sa Nara, ay umabot sa 37.9 degree Celsius noong Agosto 21, habang ang iba pang mga kanluranang lungsod ng Japan gaya ng Takahashi sa Prepektura ng Okayama at Toyonaka sa Prepektura ng Osaka ay nagtala ng temperatura ng 39.3 C.

Marahil dahil sa impluwensya ng kampanya sa promosyon ng turismo na “Go To Travel” ng gobyerno, unti-unting bumalik ang mga sightseer at mga usa sa parke, na itinalaga bilang pambansang monumento. Noong Agosto 21, mayroong isang bilang ng mga turista na namataang umiinom ng malalamig na inumin upang mapawi ang init habang naglalakad.

Isang lalaki na nasa 50s at nakabase sa Tokyo ang dumalaw sa kanyang asawa , ay nagsabi habang nasa lilim at pinupunasan ang pawis sa mukha, ” Napakainit parang impiyerno, nakakaawa din ang mga usa!”.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, ang mga lungsod sa buong kanlurang Japan ay nagtala ng kanilang pinakamataas na temperatura sa taon nitong Agosto 21, kasama ang Nakagyo Ward sa Kyoto na may 38.8 C, 38.7 C sa mga lungsod ng Nishiwaki sa Prepektura ng Hyogo , Hirakata sa Prepektura ng Osaka , at Kyotanabe sa Prepektura ng Kyoto. Ang Osaka’s Chuo Ward ay nagtala rin ng 38.6 C.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund