TOKYO
Sa panahon ng summer vacation, marami sa mga hotel sa Japan ang nagsusumikap na maipromote ang safety-first pagdating sa kalinisan at kaligtasan mula sa virus upang maakit ang mga nag-iingat na mga customer sa kanilang pagbabakasyon sa gitna ng pandemic.
Habang naghahangad ang mga hotel na mabawi ang mga nalugi nilang benta simula ng nagkaroon ng pandemic at nagsimulang makatanggap ng mga kanselasyon ng mga naka book na guests.
Ang Oyo Japan G.K., ang unit ng Japan ng pangunahing operator ng hotel sa Oyo Hotel & Homes, ay sinimulan ang pag-alok ng mga packages sa mga miyembro nito ng mga kagamitan na libreng sanitary goods, kabilang ang 200 face mask, thermometer, isang hanay ng 200 gloves, hand sanitizer at plastic sheet.
Ang unit, na nagpapatakbo ng higit sa 200 na mga hotel facility sa Japan, ay nagsagawa din ng pamamaraan upang makita ng kanilang guests na nakumpleto ng mga hotel staff ang 40 sanitary benchmark sa kanilang hotel tulad ng regular na pag-sterilize ng mga pindutan ng elevator, maya’t-mayang pagpapasok ng hangin ng mga silid upang magkaroon ng magandang ventilation, at pagsulong ng no-contact room service at mga proseso sa pag-checkout.
Sa paraang ito mas nagiging mabisa ito na pang akit sa mga customer keysa sa mag alok ng mga discounts dahil madami sa mga travelers ang mas pipiliin na magstay sa mga hotel na alam nila na mas ligtas dahil gumagawa ng ibat ibang hakbang upang magkaroon ng mga preventive measures mula sa virus.
NHK World
Join the Conversation