Share
Maraming mga paaralan sa buong Japan ang nagbukas muli noong Lunes pagkatapos ng pinaikling summer vacation upang maka-catch up ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral dahil sa pagsara ng mga eskwelahan dahil sa coronavirus.
Ang mga mag-aaral ay dapat magsuot ng face mask at sinisikap ng mga paaralan na patuloy maisagawa ang iba pang mga pag-iingat sa virus.
Mayroong 1,794 na lokal na elementary school sa buong bansa ang nagsara dahil sa pandemiya, ang middle at highschool naman ay 1,710 ayon sa ministeryo ng edukasyon.
© KYODO
Join the Conversation