Mga anti-mask na grupo binatikos sa pagtitipon nila na “cluster festival”

Ang mga anti-masker ay nagprotesta sa Tokyo kamakailan. Ayon sa kanila, ang Covid-19 ay isa lamang na trangkaso kaya't hindi kailangan mag mask at mag social distancing at ayaw din nila na ipatupad ang 3C's na ang ibig sahin ay iwasan ang mga closed spaces, crowded spaces a close contact. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga anti-mask na grupo binatikos sa pagtitipon nila na

TOKYO

Habang ang mga bagong kaso ng coronavirus ay patuloy na tumataas ang bilang sa buong Japan at buong mundo, may mga dibisyon na nagsisimulang mabuo na sumasalungat sa mga rekomendasyon ng pagiingat upang huwag ng lalong kumalat ang virus.

Sa Japan, ang pagsuot ng mask ay hindi mandatory ngunit nakagawian na din mg mga Hapon kahit dati pa na magsuot ng mask kapag may sakit.

Ang mga anti-masker ay nagprotesta sa Tokyo kamakailan. Ayon sa kanila, ang Covid-19 ay isa lamang na trangkaso kaya’t hindi kailangan mag mask at mag social distancing at ayaw din nila na ipatupad ang 3C’s na ang ibig sahin ay iwasan ang mga closed spaces, crowded spaces a close contact. Ayon sa kanila ay hindi daw ito kailangan at may karapatan sila na hindi sumunod dito.

Ang grupo ay pinamumunuan ng YouTuber at pinuno ng sovereign  Party na si Masayuki Hiratsuka, na nagpatakbo ng isang hindi matagumpay na kampanya sa Hulyo Tokyo Gubernatorial Election. Ang slogan ng kanyang kampanya, “Ang Coronavirus ay isang trangkaso lamang” ay nabigo na makakuha ng traksyon sa mga botante, ngunit hindi ito nangangahulugang hindi niya kinuha ang mga tagasunod na sumasang-ayon sa kanyang mga pananaw.

Noong Agosto 9, maraming mga tagasuporta ng partido ang nagtipon para sa isang “Cluster Protest” sa labas ng Shibuya Station.

Sumakay din sila sa train na walang mask para daw maparamdan nila sa mga tao na mga mukha silang tanga at utouto dahil sila ay naka suot ng mask.

Nhk World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund