Share
Sa Prepektura ng Saitama, malapit sa Tokyo, isinasagawa ang pag-aani ng mga “nashi” mga peras na natatangi sa rehiyon.
Halos 40 pamilya ang nagtatanim ng peras sa Bayan ng Kamikawa, kung saan nalinang ang prutas simula pa noong huling bahagi ng ika-19 na siglo.
Ang mga peras ng Saigyoku ay malaki, makatas, at napakatamis.
Sinabi ng isang magsasaka na si Yokoyama Akira na ang ani ay mas maliit kaysa sa dati dahil sa di kagandahang panahon ng polinasyon. Ngunit sinabi niya na ang lasa ay masarap, at ang ilang mga peras ay may bigat na umaabot sa 1 kilo.
Ang anihan ay magpapatuloy hanggang unang bahagi ng Setyembre.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation