GUNMA – Isang Amerikano ang malubhang nasugatan matapos itong atakihin ng oso sa bayan ng Minakami noong Linggo, ayun sa kapulisan, ulat ng TV Asahi (Agosto 24).
Dakong 4:20 ng hapon, isang lokal na residente sa lugar ng Tsukiyono ang nag-report sa tanggapan ng emergency services, matapos ang Amerikano, 47 anyos, ay kumatok sa kanilang tirahan at humihingi ng tulong.
Ayon sa mga imbestigador, isang oso ang lumitaw mula sa kakahuyan at inaatake ang Amerikano, habang siya ay nag-lalakad mag-isa , mula sa kanyang tinitirahan sa bayan.
Ang lalaki ay nagtamo ng malubhang pinsala sa kanyang kanang braso at balikat.
Sinabi ng kapulisan na mayroong namamataang mga oso nitong nakaraan, kung kaya’t patuloy silang nagbibigay babala sa mga lokal na residente na ibayong pag-iingat.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation