Malalakas na pagsabog sa Beirut, kumitil sa buhay ng 78 katao at libo-libo ang sugatan

Sinabi ni Punong Ministro Hassan Diab sa bansa na may mananagot sa naganap na pagsabog sa "mapanganib na bodega", dagdag pa niya "ang mga responsable ay magbabayad ."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Nag-tatakbuhan ang mga trabahante ng pier sa lugar kung saan may naganap na malakas na pag-sabog sa seaport ng Beirut, Lebanon.

BEIRUT- Isang malakas na pagsabog sa mga bodega ng port na malapit sa gitnang Beirut na nag-iimbak ng malalakas na explosives na pumatay sa 78 katao, nasugatan ang halos 4,000 at nagpadala ng mga seismic shockwaves na kinabasag ng mga bintana, ikinasira ng mga istruktura at yumanig sa buong kabisera ng Lebanon.

Ayon sa ng mga opisyal inaasahan nilang ang tataas ang death toll pagkatapos ng pagsabog noong Martes habang ang mga emergency workers ay patuloy na naghuhukay upang iligtas ang mga tao at makuha ang mga patay. Ito ang pinakamalakas na pagsabog sa loob ng maraming taon sa Beirut, na kung saan ay kasalukuyang nakikipaglaban mula sa krisis sa ekonomiya at sa pag-dagsa ng mga kaso ng impeksyon ng coronavirus.

Sinabi ni Pangulong Michel Aoun na ang 2,750 tonelada ng ammonium nitrate, na ginagamit sa mga pataba at bomba, ay naimbak ng anim na taon sa port nang walang mga panukalang pangkaligtasan, at sinabi na “hindi katanggap-tanggap”.

Tumawag siya para sa isang emergency cabinet meeting noong Miyerkules at idineklara ang dalawang linggong State of Emergency.

“Ang ating nasasaksihan ay isang malaking sakuna,” ang pinuno ng Red Cross ng Lebanon na si George Kettani ay nagsabi sa broadcaster na si Mayadeen. “May mga biktima at nasawi sa lahat ng dako.”

Mga oras pagkatapos ng pagsabog, na naganap bandang 6:00 ng gabi, ang apoy tanaw sa distrito ng port, na nagbigay ng kulay kahel na liwanag sa buong kalangitan ng gabi habang ang mga helikopter ay nag-iikot at umaalingaw-ngaw ang sirena ng mga ambunlansiya sa buong kapital.

Sinabi ng isang security source na ang mga ibang biktima na narescue ay dadalhin sa labas ng lungsod upang mapagamot dahil ang mga ospital ng Beirut ay kasalukuyang ay wala ng kapasidad na tumanggap ng iba pang mga sugatan . Ang mga ambulansya mula sa hilaga at timog ng bansa at ang lambak ng Bekaa sa silangan ay tinawag upang tumulong.

Ang malakas pagsabog ay nagpaalala muli ng digmaang sibil noong 1975-90 at pagkatapos nito, nang tiniis ng mga Lebanese ang resulta ng mga pagbomba ng kotse at pagsalakay sa kalangitan ng Israel. Inisip ng ilang mga residente na may lindol na tumama. Natatakot, umiiyak at nasugatan ang mga tao na naglalakad sa mga kalye na hinahanap ang kanilang mga kamag-anak.

Ang iba ay hinanap ang kanilang mga nawawalang mahal sa buhay sa mga ospital. Sinabi ng isang medic na 200 hanggang 300 katao ang na-admit sa isang emergency department. “Hindi ko pa nakita ito. Ito ay kakila-kilabot,” ani ng medic na nagbigay ng kanyang pangalan bilang Rouba, ayon sa Reuters.

“Nilipad ako ng ilang metro ng pagsabog. Ako ay natulala at duguan. Ibalik nito ang alaala ng isa pang pagsabog na nasaksihan ko sa embahada ng Estados Unidos noong 1983, “sabi ni Huda Baroudi, isang designer sa Beirut.

Sinabi ni Punong Ministro Hassan Diab sa bansa na may mananagot sa naganap na pagsabog sa “mapanganib na bodega”, dagdag pa niya “ang mga responsable ay magbabayad .”

Binalaan ng embahada ng Estados Unidos sa Beirut ang mga residente sa lungsod tungkol sa mga ulat ng mga nakakalason na gas na inilabas ng pagsabog, hinihimok ang mga tao na manatili sa loob ng bahay at magsuot ng mga mask kung maari.

USOK AT PAGAPOY

Ang footage ng pagsabog na ibinahagi ng mga residente sa social media ay nagpakita ng usok na mula sa port, na sinundan ng napakalakas na pagsabog, na lumikha ng malaking puting ulap at isang fireball sa kalangitan. Ang mga kumukuha ng video ng insidente mula sa mataas na gusali na may 2 km (isang milya) mula sa port ay napabaligkwas sa pagkabigla.

Ang mga duguang biktima ay makikitang nagtatakbuhan at sumisigaw ng tulong sa gitna ng usok at alikabok. Ang mga kalye ay parang nasanta ng lindol, kung saan may mga gumuhong mga gusali, lumilipad na mga debris, mga nasirang kotse at kasangkapan.

Hindi sinabi ng mga opisyal kung ano ang naging sanhi ng pag-apoy na naging dahilan ng pagsabog. Sinabi pa ng isang security source at lokal na media na nagsimula ito dahil sa pag-hinang na isinasagawa sa mga butas sa buong bodega.

Sinabi ng gobyerno na nahihirapan pa rin maitaguyod ang danyos ng kalamidad. “Maraming mga tao pa ang nawawala. Humihingi ang mga tao sa emergency department ng tulong tungkol kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay at mahirap na maghanap sa gabi dahil walang kuryente,” sinabi ni Health Minister Hamad Hasan sa Reuters.

Sinabi ni Hasan na 78 katao ang namatay at halos 4,000 ang nasugatan.

Ang Lebanese broadcaster Al-Jadeed ay nagbasa ng mga apela para sa impormasyon tungkol sa mga nawawala. Ang ilang mga tao ay nai-post ang mga larawan ng nawawalang mga kamag-anak sa social media.

Nanawagan ang punong ministro para sa isang araw ng pagdadalamhati noong Miyerkules.

Ang pagsabog ay naganap tatlong araw bago ang paghahayad ng paghatol sa isang kaso na suportado ng U.N. Ang paglilitis sa apat na mga suspek mula sa pangkat ng Shi’ite Muslim na si Hezbollah sa 2005 bombing na kumitil sa buhay ng dating Punong Ministro Rafik al-Hariri at 21 iba pa.

Si Hariri ay napatay sa isang malaking pag-bomba ng trak sa parehong waterfront, mga 2 km (halos isang milya) mula sa port.

Sinabi pa ng mga opisyal na ang Israel, ay nakipaglaban sa maraming digmaan sa Lebanon, ay walang kinalaman sa pagsabog ng Martes at sinabing ang kanilang bansa ay handa na magbigay ng tulong na makatao at medikal. Ang Shiite Iran, ang pangunahing tagapagtaguyod ng Hezbollah, ay nag-aalok din ng suporta, tulad ng ginawa ng rehiyonal na karibal ng Tehran na Saudi Arabia, isang nangungunang kapangyarihan ng Sunni. Sinabi ng Qatar at Iraq na nagpadala sila ng mga makeshift hospitals upang tulungan ang bilang ng mga nasawi at mga nasugatan.

Ang Estados Unidos, Britanya, Pransya at Alemanya ay nagpahayag ng pagkabigla at pakikiramay at sinabi na handa silang tumulong.

Ipinahayag ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos sa isang briefing sa White House na ang pagsabog ay isang posibleng pag-atake. Matapos hingiin ang mas maigting na eksplenasyon, sinabi ni Trump kanilang napagpulungan kasama ang ilang heneral ng Estados Unidos at kanilang kutob na ito ay “isang uri ng kaganapan ng manufactured explosion type.”

Dalawang opisyal ng Estados Unidos, na nagsasalita sa kondisyon ng hindi nagpapakilala, sinabi ang paunang impormasyon na sumasalungat sa pananaw ni Trump, gayunpaman.

Ang pagsabog ay nagbabanta sa isang bagong humanitarian crisis sa isang bansa na nagho-host ng daan-daang libong mga refugee ng Sirya at na kung saan patuloy na nakikipaglaban sa economic meltdown sa ilalim ng isa sa pinakamalaking debt burden sa mundo.

Ang mga imahe na nagpapakita ng pagkawasak ng mga istruktura , ay pagkawasak ng main entry point sa isang bansa kung saan ito ay umaasa sa pag-import ng pagkain para sa mahigit 6 milyon populasyon.

Sinabi ng mga residente na maraming bubog ang nagkalat sa baybaying Mediterranean ng Beirut at mga suburb sa loob ng ilang kilometro ang layo. Sa Cyprus, isang isla ng Mediteranyo na 110 milya (180 km) mula sa Beirut, ay narinig ng mga residente ang pagsabog. Isang residente sa Nicosia ang nagsabing ang kanyang bahay at mga bintana ay umalog.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund