TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lasing na 48-taong-gulang na lalaki na sinasabing sinalakay ang isang drayber ng taxi upang takbuhan ang pagbabayad ng pamasahe, ulat ng Nippon News Network (Agosto 30).
Noong Agosto 14, tinangka umano ni Takamitsu Oho na dukutin ang 1,000-yen mula sa bulsa ng drayber ng ito ay huminto sa tapat ng tirahan ng suspek.
Matapos bayuhin ang driver sa dibdib, tumakas si Oho sa eksena nang hindi nagbabayad ng pamasahe na umabot sa 6,880 yen. Ang driver ay nagtamo ng mga pinsala na nangangailangan ng dalawang linggo pagpapagaling, sinabi ng pulisya.
Ayon sa pulisya, nakainom si Oho bago ang insidente. Nang siya ay naaresto dahil sa salang robbery resulting in injury, maiiring itinanggi ni Oho ang mga paratang. “Ang mga katotohanan sa pangyayari ay malayo sa pangyayari,” depensa ng suspek.
Si Oho ay naging peron of interest sa kaso matapos ang isang pagsusuri sa kuha ng dashboard camera na kuha sa loob ng taxi.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation