TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 35-taong-gulang na lalaki na pinaghihinalaang ng pag-swindle ng maraming kababaihan na nakilala niya sa online, ulat ng Fuji News Network (Agosto 7).
Noong nakaraang Hulyo at Agosto, si Atsushi Inamura, 35, umano ay nanlinlang ng isang babae na nasa edad 30’s at naninirahan sa Higashiyamato City, sa kabuuang 3.3 milyong yen.
“Bibili ako ng relo,” sinabi niya. “Maaari mo bang ipahiram sa akin ang pera. Sigurado namang babayaran kita. ” Kinolekta din ng suspek ang karagdagang 4 milyong yen mula sa biktima para dapat diumanoy pambili ng kotse.
Inamura na inamin ng mga paratang, sinabi ng Higashiyamato Police Station.
Ayon sa pulisya, nakilala ni Imamura ang babae sa isang dating site para sa mga taong interesado sa konkatsu, o mga aktibidad na “naghahanap ng kasal”.
Si Imamura ay pinaniniwalaang ginagamit ang pare-parehong diskarte upang makapanloko sa halos 20 kababaihan na umaabot sa halos 40 milyong yen.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation