Lalaki arrestado sa pagpatay sa sariling ina na di umano’y nagsabi sa kanya na gusto na nito mamatay

Sinabi ni Hara na ang kanyang ina ay may pisikal na kapansanan at hindi maayos ang estado ng pag-iisip.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLalaki arrestado sa pagpatay sa sariling ina na di umano'y nagsabi sa kanya na gusto na nito mamatay

TOKYO- Inaresto ng kapulisan sa Tokyo ang isang 28-anyos na lalaki sa salang pagpatay sa kanyang 61 taong gulang na ina sa tirahan nito sa Hachioji.

Sinabi ng pulisya na ang suspek, na si Takashi Hara, na walang trabaho, ay umamin sa salang pagpatay ayon pa sa suspek, ang kanyang ina, si Michiko Matsui, ay nagsabi sa kanya na nais na nitong mamatay, ulat ng Sankei Shimbun.

Sinabi ni Hara na ang kanyang ina ay may pisikal na kapansanan at hindi maayos ang estado ng pag-iisip.

Ayon sa pulisya, si Hara, na nakatira sa Taito Ward, ay nagtungo sa apartment ng kanyang ina nitong Linggo ng umaga at sinakal ang kanyang ina gamit ang kanyang mga kamay.

Dakong 9:00 ng umaga, nagtungo siya sa bahay ng kanyang kapatid na 34 taong gulang sa Chiyoda Ward at sinabing pinatay niya ang kanilang ina. Bumalik ang dalawang kapatid sa apartment ng kanilang ina at tinawag ang kanilang kuya na nag-report sa 119.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund