YOKOHAMA
Inaresto ng pulisya sa Yokohama ang isang 66-anyos na lalaki sa tangkang pagpatay sa kanyang 102 na taong gulang na tiyahin.
Ayon sa pulisya, si Yutaro Shida, isang dating opisyal ng pulisya, ay gumagamit ng isang kurdon mula sa isang printer upang sakalin ang kanyang tiyahin na si Chieko Shida sa kanyang silid-tulugan sa unang palapag ng kanilang bahay sa Midori Ward bandang 9 p.m. noong Linggo, iniulat ng Sankei Shimbun. Apatnapu’t limang minuto ang lumipas, tumawag ni Shida sa 110 at sinabi sa pulisya ang kanyang ginawa.
Ang biktima, na nawalan ng malay, ay dinala sa ospital at nasa stablena ngayon kondisyon at ligtas sa kapahamakan noong Lunes, sinabi ng pulisya.
Sinabi ng pulisya na si Shida ay umamin sa kanyang ginawa. Ayon sa kanya, kinupkop niya ang kanyang tiyahin matapos mabalian ito ng binti, ayon sa kanya napagod na siya sa pag-aalaga dito.
Ang asawa ni Shida ay nasa ikalawang palapag nang oras ng insidente at sabi niya sa mga pulis na hindi niya alam ang ginawa ng kanyang asawa.
© Japan Today
Join the Conversation