Kochi: Bangkay ng bagong panganak na sanggol natagpuan lumulutang sa port

Ang sanggol ay walang saplot sa katawan at nakasilid sa loob ng isang puting plastic bag.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang labi ng bagong silang na lalaking sanggol ang natagpuan sa port ng Susaki nitong Martes. Twitter

KOCHI – Inilunsad ng Kochi Prefectural Police ang isang imbestigasyon matapos matagpuan ang bangkay ng isang bagong panganak na batang lalaki sa isang port sa Susaki City noong Martes, ulat ng Nippon News Network (Agosto 4).

Dakong 3:30 ng hapon, isang manggagawa sa Port ng Susaki ang nag-alerto sa mga pulis matapos matagpuan ang bangkay na lumulutang sa tubig.

Ayon sa pulisya, ang sanggol ay walang saplot sa katawan at nakasilid sa loob ng isang puting plastic bag. Ang pusod ay nakakabit pa. Malamang namatay ang bata bago pa ito matuklasan.

Kasalukuyang iniimbistigahan ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng sanggol at ang sanhi ng pagkamatay nito. Ang kaso ay itinuturing na Abandoning a corpse.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund