Kapitan ng barko sa Mauritius oil spill, arestado.

si Sunil Kumar Nandeshwar, na nagmula sa India, ay naaresto kasama ang kanyang deputy nitong Martes sa sala na endangering safe navigation.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKapitan ng barko sa Mauritius oil spill, arestado.

Inaresto ng mga awtoridad sa Mauritius ang kapitan ng barko na pag-aari ng isang Hapones at may kargang halos 1,000 toneladang langis ng gasolina ng naglayag sa Indian Ocean.

Sinabi ng mga opisyal na si Sunil Kumar Nandeshwar, na nagmula sa India, ay naaresto kasama ang kanyang deputy nitong Martes sa sala na endangering safe navigation.

Ang bulk carrier na Wakashio ay sumadsad nitong huling bahagi ng Hulyo sa isang reef sa baybayin ng bansa. Ang maritime transport firm na Mitsui O.S.K. ang umarkila sa vessel.

Ang marintime traffic data ay nagpapakita na ang barko ay biglang lumiko sa halos 90 degree at nagbagal nang halos dalawang kilometro sa baybayin.

Naniniwala ang mga eksperto na ang sasakyang pang-dagat ay tumama sa isang bagay doon, na naging dahilan upang ma-stranded ito.

Iniulat ng lokal na media na ang mga tripulante ay maaaring ibinaling ang barko malapit sa baybayin upang makakuha ng mga signal ng Wi-Fi.

Ang kapitan at ang kanyang kinatawan ay humarap sa korte at mananatili sa kustodiya ng pulisya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund