Kabataan ng Bosozoku, nadakip, dahil 40 milyong pagnanakaw sa isang tahanan

Noong gabi ng Hulyo 20, tatlong tao ang nagpanggap bilang mga delivery boy ng takkyubin upang makapasok sa tirahan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

OSAKA – Inaresto ng Osaka Prefectural Police ang dalawang miyembro ng isang bosozoku biker gang dahil sa umano’y pagnanakaw sa isang bahay sa Lungsod ng Suita noong nakaraang buwan, iniulat ng NHK (Agosto 26).

Noong gabi ng Hulyo 20, tatlong tao ang nagpanggap bilang mga delivery boy ng takkyubin upang makapasok sa tirahan, na matatagpuan sa lugar ng Senriyamanishi.

Inispreyan nila ng di matukoy na likido ang 76 anyos na may-ari ng tahanan at ito ay iginapos ng, “Asan ang kaha?” , utas ng isa sa kanila.

&nbspKabataan ng Bosozoku, nadakip, dahil 40 milyong pagnanakaw sa isang tahanan

Ang tatlo ay tumakas na may hawak 36 milyong yen na cash at dalawang mamahaling relo na nagkakahalaga ng 3.4 milyong yen, ayon sa mga imbestigador.

Ayon sa imbistigador, ang dalawang kabataan na naaresto sa kaso ay pawang nasa edad 17 at nakatira sa Prepektura ng Hyogo. Hindi inihayag kung ang mga suspek ay umamin sa krimen.

Nasa kamay ng kapulisan ang security camera footage kung saan nila natukoy ang sasakyang ginamit ng mga suspek sa krimen.

Kasalukuyang pinaghahanap ng kapulisan ang kinaroroonan ng ikatlong suspek.

Gumamit ang mga pulis ng security camera ng footage upang masubaybayan ang isang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa krimen.

Source: Tokyo Reporter

Imagr: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund