Ang Japan, nitong Huwebes Augusto 6, 2020 ay ginunita ang ika 75 taon mula noong pag-atake ng atomic bomb, ang kauna-unahang atomic bombing incident sa buong mundo na kumitil sa madaming tao at nagwasak sa malawak na lugar sa Hiroshima.
Ang mga survivors, kamag-anak at ilang bilang ng mga banyagang dignitaryo ay dumalo sa pangunahing event sa taong ito sa Hiroshima upang manalangin para sa mga biktima at tumawag para sa kapayapaan sa buong mundo.
Ngunit bilang lamang ang pagtitipon at hindi kasama ang pangkalahatang publiko dahil sa pandemic, ang seremonya ay sa halip ay na broadcast na lamang online upang mapanood ng lahat.
Ang iba pang mga event, kabilang ang isang pagtitipon sa mga pagpapa-anod ng mga lanterns sa kahabaan ng Ilog ng Motoyasu, ay kinansela dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus sa mga bahagi ng Japan.
Ang taunang paggunita ay “misyon ng Hiroshima na manawagan sa mga tao sa buong mundo na magsumikap patungo sa kapayapaan”, sinabi ni mayor Kazumi Matsui sa mga mamamahayag.
Umabot sa 140,000 katao ang napatay, marami sa kanila ay dead on the spot, ang iba naman ay namatay sa mga sumunod na linggo at buwan na nagdusa sa sakit ng radiation, mga paso, sugat at iba pang pinsala.
Pagkaraan ng tatlong araw, nagpabagsak ang Estados Unidos ng pangalawang atom bomb sa Nagasaki, kung saan 74,000 katao ang napatay.
Patuloy na kontrobersyal ng kaganapan na ito dahil itinuturing ito na war crime ng America sa Japan dahil mga sibilyan ang naging biktima. Hanggang ngayon ay hindi pa din humihingi ng tawad ang US.
© 2020 AFP
Join the Conversation