Japan – Cambodia bubukasan muli ang borders

Napagkasunduan ng Japan at Cambodia na luwagan ang mga paghihigpit sa entry restrictions bilang tugon sa pandemya ng coronavirus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJapan - Cambodia bubukasan muli ang borders

Napagkasunduan ng Japan at Cambodia na luwagan ang mga paghihigpit sa entry restrictions bilang tugon sa pandemya ng coronavirus, at ang parehong bansa ay tatanggap na ng mga magbabalik bayan, kabilang ang mga expatriates, sa lalong madaling panahon sa susunod na buwan.

Nakipagpulong ang Foreign Minister ng Japan na si Motegi Toshimitsu sa Punong Ministro ng Cambodia na Hun Sen sa kabisera na Phnom Penh noong Sabado.

Sinabi ni Motegi na patuloy na susuportahan ng Japan ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Cambodia sa pamamagitan ng pagtulong sa pagtatayo ng pangunahing kalsada sa bansa, o ang “economic corridor,” na nag-uugnay sa Thailand at Vietnam.

Sinabi rin niya na balak ng Japan na simulan ang pagtanggap ng mga goverment sponsored na mag-aaral na taga-Cambodia sa lalong madaling panahon.

Sa isang pagpupulong sa kanyang counterpart na si Prak Sokhonn, sumang-ayon sila na mapabilis ang mga usapin upang mabuksan din ang kanilang mga borders sa mga panandaliang paglalakbay, kabilang ang mga taong naglalakbay para sa negosyo.

Sinabi ni Motegi na balak ng Japan na magbigay ng kagamitang medikal at suportang teknikal upang matulungan ang Cambodia na kontra ang pagkalat ng coronavirus.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund