TOKYO- Hinahanap ng pulisya ang tatlong lalaki na dumukot sa isang executive ng kumpanya sa isang kalye sa distrito ng Ginza sa Tokyo nitong Martes. Ang biktima ay dinukot at isinakay sa isang minivan at pinakawalan nang hindi nasugatan sa Prepektura ng Chiba.
Ayon sa pulisya, dakong 5:00 ng hapon, tatlong lalaki ang humarang sa executive na nagbibisikleta, at ginamitan ng spray ang kanyang mga mata at sa pilitang isinakay sa isang puting minivan, iniulat ng Fuji TV.
Pinalaya siya ng 10:00 ng gabi sa isang paradahan ng hotel sa Lungsod ng Urayasu, Prepektura ng Chiba. Kung saan siya ay nagpunta sa pinakamalapit na koban.
Sinabi ng pulisya na ayon sa biktima siya ay piniringan at hinihingan ng pera ng mga kidnappers. Hindi sinabi ng pulisya kung ang biktima ay nagbabayad ng ransom sa kanyang mga kidnappers.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation