Ang Lungsod ng Fukuoka, ang operator ng pangunahing kanlurang pantalan ng Japan sa Hakata, ay gumawa ng isang patakaran na tumanggi at ipagbawal sa port ang mga cruise ship hanggang sa maitaguyod ang isang mabisang paggamot o bakuna para sa COVID-19.
Ang patakaran ay batay sa isang ordinansa sa operasyon ng pantalan at naging epektibo mula noong Hunyo.
Sinabi nito na hindi papayagan ng lungsod ang mga tawag sa port ng mga cruise ship na dumaong sa mga bansa o teritoryo kung saan nagkaroon ng mga impeksyon o nagdadala ng mga tao mula sa mga nasabing lugar.
Dagdag nito na papayagan ng lungsod ang port call kung naaprubahan na ang mga bakuna sa Japan at magagamit sa mga institusyong medikal, o kung ang isang epektibong pamamaraan ng paggamot ay naisasakatuparan na.
Ayon pa sa Transport Ministry na ang pantalan ng Hakata ay ang may pinakamaraming pinapasok at pinadaong na cruise ship sa loob ng apat na taon hanggang sa 2018 at pumapangalawa sa pantalan ng Naha sa Prepektura ng Okinawa ayon sa preliminary report noong 2019.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation