SHIZUOKA- Ang pulisya sa Susuno, Prepektura ng Shizuoka, ay inaresto ang isang 61-taong-gulang na doktor dahil sa hinala ng tangkang pagpatay matapos na ilang beses hatawin sa ulo ang kanyang kapatid gamit ang isang martilyo.
Ayon sa pulisya, sinalakay ni Tatsuo Hattori ang kanyang kapatid na si Mitsuko, 59, sa kanilang bahay noong Lunes ng gabi, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na si Mitsuko ay dinala sa ospital at nasa mabuting kondisyon.
Sinasabi na nakatanggap ng emergency call ang kapulisan bandang 8:55 ng gabi noong Lunes, kung saan ni-report ng isang babae na may babaeng sumisigaw sa kabilang bahay. Agarang rumisponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente kung saan natagpuan si Mitsuko na duguan at may sugat sa likod ng kanyang ulo.
Idinagdag pa ng mga pulis na naabutan nilang nagtatalo si Hattori at ang kanyang nakakababatang kapatid ng sila ay dumating.
Sinabi ng pulisya na isang tawag sa pang-emergency na telepono ay inilagay bandang 8:55 p.m. noong Lunes, kung saan sinabi ng tumatawag na may isang babae na naririnig na sumisigaw. Nagpadala ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan at natagpuan ang pagdurugo ni Mitsuko mula sa isang sugat sa likod ng kanyang ulo.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation