Ibaraki: Bangkay ng isang babae mula sa Saitama, natagpuan sa ilog

Ayon sa mga imbestigador, ang sanhi ng kamatayan ay pagpapahirap resulta ng pagkakasakal.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

IBARAKI – Ang bangkay ng isang babae na natagpuan sa isang ilog sa Hitachinaka City ng linggong ito ay napagalamang mula sa Prepekyura ng Saitama, ayon sa ulat ng Ibaraki Shimbun (Ago. 11).

Noong Agosto 7, ang bangkay ng babae ay natagpuan sa pampang ng Naka River na mga 200 metro mula sa Naruto River.

Pagkaraan ng tatlong araw, sinabi ng Hitachinaka Police Station na ang katawang iyon ng isang 47-taong-gulang na babae mula sa bayan ng Miyashiro.

Ayon sa mga imbestigador, ang sanhi ng kamatayan ay pagpapahirap resulta ng pagkakasakal. Siya ay pinaniniwalaang namatay isang araw bago matuklasan.

Hinala ng kapulisan na ang kaso ay resulta ng foul play.

Source: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund