Hiroshima: Lalaki, 48, inakusahan ng pananaksak sa sariling ina

Batay sa isinagawang report ang patalim ay tumagos sa puso, kaya't pinaniniwalaan ng mga imbistegador na hangad ng suspek ang kamatayan ng biktima.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang lalaki na taga-lungsod ng Hiroshima ang tumawag sa mga pulis at nag-sabi na “Ang aking ina ay nawalan ng malay.” (Twitter)

HIROSHIMA – Inaresto ng Hiroshima Prefectural Police ang isang 48-taong-gulang na lalaki dahil sa pananaksak nito sa kanyang ina sa kanilang tirahan sa Lungsod ng Hiroshima, ulat ng TV Asahi (Agosto 15).

Nitong Agosto 11 o nang sumunod na araw, si Hidenori Tsuge, walang trabaho, ay diumano’y pinag-sasaksak sa dibdib ang kanyang 89-anyos na ina na si Eiko, sa loob ng kanilang tirahan na matatagpuan sa Minami Ward.

Matapos maisakatuparan ang krimen, inireport sa pulisya ni Tsuge at sinabing “Ang aking ina ay nawalan ng malay,” bandang 4:50 ng hapon ng Agosto 12.

Nang maaresto siya sa salang pagpatay, inamin ni Tsuge ang krimen.

Batay sa isinagawang report ang patalim ay tumagos sa puso, kaya’t pinaniniwalaan ng mga imbistegador na hangad ng suspek ang kamatayan ng biktima.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang motibo sa pagpatay.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund