BEIJING -Sinabi ng China na hinahangad nito ang mabilis na paggaling ni Punong Ministro Shinzo Abe, na inanunsyo ang kanyang pagbitiw sa pwesto kamakailan dahil sa kanyang kalusugan.
Ang tagapagsalita ng Foreign Ministry na si Zhao Lijian, sa isang pahayag, ay pinuri si Abe sa paggawa ng mahahalagang hakbang upang mapaunlad ang ugnayan ng Japan-China.
Sinabi ni Zhao na sa mga nagdaang taon ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa ay “bumalik sa tamang landas at nakakamit ang mga bagong developments.”
“Ang mga pinuno ng dalawang bansa ay pinagkasunduan ang pagtataguyod at pagpapatatag ng relasyon sa Tsina at Japan na nakakatugon sa mga kinakailangan ng makabagong panahon,” aniya.
Sinabi ng tagapagsalita na nais pa ng Tsina na mapabuti ang relasyon at palalimin ang kooperasyon sa panig ng Japan sa paglaban sa pandemya ng coronavirus at sa larangan pang-ekonomiya.
Source: Japan Today
Join the Conversation