Gifu: Babae, 81, nakatira at namuhay kapiling ang bangkay ng yumaong asawa

Sinampahan ng kaso ng kapulisan si Ichie Shioya sa salang abandoning of corpse, na mariing itinatanggi ng suspek.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspGifu: Babae, 81, nakatira at namuhay kapiling ang bangkay ng yumaong asawa

GIFU – Inaresto ng Gifu Prefectural Police ang isang 81-anyos na babae matapos makita ang bangkay ng kanyang asawa sa loob ng kanilang tirahan sa Lungsod ng Gifu, ayon sa ulat ng Mainichi Shimbun (Agosto 24).

Dakong 5:00 ng hapon, noong Agosto 22, ang mga pulis na nakatanggap  impormasyon ay natagpuan ang katawan ni Kunio Shioya, 79, sa unang palapag ng tirahan, sa lugar ng Kanonagaicho.

Ang mga labi ay hindi kinakitaan ng anumang sugat. Batay sa stage of decay, siya ay pinaniniwalaang namatay ilang araw bago ang pagkakatuklas, ayon sa imbetigador ng Gifu-Minami Police Station.

Kinabukasan, sinampahan ng kaso ng kapulisan si Ichie Shioya sa salang abandoning of corpse, na mariing itinatanggi ng suspek.

Umaga noong Agosto 22, isang lalaki na miyembro at kawani ng community service support center ang bumisita sa tirahan ng mag-asawa. Gayunpaman, inalerto niya ang mga kapisan matapos na hindi ma-contact si Kunio.

Kasalukayang inaantabayan ng mga imbetigador ang resulta ng awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund