Fukushima: Isang bangkay , natagpuan sa isang swamp malapit sa sasakyan ng isang taong naireport na nawawala  

Ayon sa mga imbestigador, ang katawan ng bangkay ay hindi kinakitaan ng ano mang sugat o indikasyon na ito ay pinahirapan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

FUKUSHIMA – Naglunsad ng imbestigasyon ang Fukushima Prefectural Police matapos na matatagpuan ang isang bangkay sa kabundukan ng Bayan ng Kaneyama noong Linggo, ulat ng Sankei Shimbun (Agosto 24).

Noong Linggo ng umaga, may nag-report sa mga pulis tungkol sa isang kotse na naka-park sa kalsada papuntang kagubatan, na matatagpuan sa lugar ng Nishibu Oshio.

Ang mga opisyal mula sa Aizubange Police Station at isang bumbero ang rumisponde sa crime scene dakong 3:00 ng hapon, kung saan natagpuan sa swamp ang mga labi na may 10 metro ang layo sa sasakyan.

Ayon sa mga imbestigador, ang katawan ng bangkay ay hindi kinakitaan ng ano mang sugat o indikasyon na ito ay pinahirapan. Dahil sa stage of decay, hindi matukoy ang edad at kasarian ng bangkay.

Napag alaman ng kapulisan na ang sasakyan ay pag-aari ng isang tao mula sa Prepektura ng Ibaraki na naiulat na nawawala simula pa nuong unang bahagi ng buwan na ito.

Bilang karagdagan sa pagkumpirma ng pagkakakilanlan ng biktima, ang mga imbestigador ay kasalukuyang inaalam ang sanhi ng pagkamatay.

Source: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund