FUKUOKA – Binaril at nasugatan ng Fukuoka Prefectural Police ang isang lalaki na nagwawasiwas ng kutsilyo sa isang apartment complex sa Minami Ward ng Fukuoka City noong Linggo, ulat ng Fuji News Network (Ago. 10).
Dakong 7:45 ng gabi, dumating ang pulisya sa tirahan ng lalaki upang tingnan ang pangyayari, pagpasok nila, binitbit ng lalaki ang kutsilyo.
Nagbabala ang isang opisyal ng kapulisan sa lalaki ngunit binale wala ito ng lalaki kaya nagpaputok ang pulis ng 2 warning shots at tumama ang isang bala sa tiyan ng lalaki.
Ayon sa kapulisan agad na naisugod ang lalaki sa hospital kung saan ito ay ligtas na sa kapahamakan.
“May mga nagtataasang boses na parang nagtatalo,” sabi ng isang kapitbahay, “at pagkatapos ay nakarinig ako ng dalawang putok”.
Inaresto ng pulisya ang lalaki sa salang frustrated murder at pagsagabal sa mga tungkulin ng isang pampublikong tagapaglingkod.
“Sa kasalukuyan, isinasaalang-alang na ang naging aksyon ay angkop sa mga pangyayari,” isang kinatawan ng Fukuoka Prefectural Police sinabi tungkol sa insidente.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation