FUKUOKA – Inaresto ng Fukuoka Prefectural Police ang isang 39-taong-gulang na lalaki matapos na takbuhan ang kanyang napakalaking bill sa isang hostess club sa Fukuoka City na hindi niya mabayaran, ulat ng NHK (Agosto 12).
Ayon sa ulat dakong 9:00 ng gabi, noong Martes, si Koichi Eguchi, na walang trabaho, ay dumating sa club sa distrito ng Nakasu red-light district ng Hakata Ward.
Sa mga sumunod na walong oras, umorder sya nang 16 putahe na mga pagkain at inumin, kabilang ang sushi, beer, alak at Dom Perignon champagne, sa VIP room ng club.
At bago 5:00 ng umaga, kinabukasan, dinala siya ng isang kawani ng club sa isang malapit na koban police box matapos niyang hindi mabayaran ang bayarin na umabot ng 1.1 milyong yen.
Nang naaresto siya sa hinala ng pagnanakaw, inamin ni Eguchi sa mga paratang, ayon sa pulisya.
Habang nasa interogasyon, napag-alaman ng kapulisan na mayroon lamang 1,000 yen ang lalaki.
Source: Tokyo Reporter
Join the Conversation