Customer na comatose nang bugbuging ng pinagalitan niyang conbini staff

Inaresto ang isang staff ng convenience store noong Miyerkules matapos malubhang sinaktan ang isang 70-anyos na customer na sumita sa kanya matapos mahulog ang sukling barya nang inaabot niya ito sa customer, sinabi ng pulisya. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspCustomer na comatose nang bugbuging ng pinagalitan niyang conbini staff

CHIBA

Inaresto ang isang staff ng convenience store noong Miyerkules matapos malubhang sinaktan ang isang 70-anyos na customer na sumita sa kanya matapos mahulog ang sukling barya nang inaabot niya ito sa customer, sinabi ng pulisya.

Si Tsukasa Hanazawa, 32, diumano’y binalibag ang nakatatandang lalaki, inuntog ang ulo sa sahig at sinuntok sa mukha sa loob ng convenience store sa Chiba City bandang 6:50 a.m.

Ang customer ay dinala sa isang ospital at nananatiling walang malay, sinabi ng pulisya.

Ayon sa pulisya, inamin ni Hanazawa ang paratang sa kanya, at sinasabing nagdilim ang paningin niya nung pinagalitan siya ng customer dahil nalalaglag ang baryang sukli nang iabot nya ito sa customer.

Ang isa pang klerk sa convenience store ay inereport ang insidente sa pulisya. Nagbisita ang nakatatandang lalaki sa convenience store upang bumili ng mga sigarilyo.

© KYODO

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund