COVID-19 nakakatakot? Nag-aalok ang isang grupo ng mga coffins, chainsaws para maibsan ang stress

"Ang pandemya ay nakababalisa, at inaasahan namin na ang mga tao ay maaaring makakuha ng kaunting ginhawa sa pamamagitan ng pagsigaw."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Isang participant ang humiga sa mock coffin na may plastic shield upang ma-maintain ang social distancing sa isang horror show na isinagawa ng kowagasaretai (scare squad) sa Tokyo nuong ika-22 ng Agosto

TOKYO- Kinakatakutan ang pandemya? Sinusubukan ng isang pangkat ng mga Hapon na gustong makatulong maibsan ang stress ng mga tao sa COVID-19 – sa pamamagitan ng paglalagay sa mga ito sa mga kabaong na napapaligiran ng mga zombie na na may chainsaw.

Ang mga kostumer ngayong katapusan ng linggo sa Tokyo ay maaaring mahiga sa isang 2-metro na windowed box, nakikinig sa isang kakila-kilabot na kwento, habang pinapanood ang mga aktor na gumaganap at may mga pekeng kamay na nagwiwiwsik ng tubig.

“Ang pandemya ay nakababalisa, at inaasahan namin na ang mga tao ay maaaring makakuha ng kaunting ginhawa sa pamamagitan ng pagsigaw,” sabi ni Kenta Iwana, coordinator ng kumpanya ng produksiyon na Kowagarasetai – “Scare Squad” nag-bibigay ng 15-minuto na mga palabas.

Habang nakakaranas ang Japan ng COVID-19, si Iwana, 25, ay nag-isip upang makahanap ng trabaho para sa kanyang mga aktor, na karaniwang gumaganap sa mga lugar tulad ng mga theme park.

Noong nakaraang buwan, nag-aalok ang Kowagarasetai ng mga drive-in horror shows.

Ang mga kostumer, ay naghahanap din ng mga pagkakaabalahan – at mga paraan upang magtanggal ng stress.

“Napakaraming mga events ay nakansela dahil sa coronavirus, at naghahanap ako ng isang paraan upang maibsan kahit paano ang aking stress,” sabi ni Kazushiro Hashiguchi, 36, sinabi habang nagpapahinga matapos ang 800-yen na palabas. “Nakakarelax ako ngayon.”

Ang mga kustomer para sa mga palabas, ay nagaantantay sa isang guest lounge na ginagamit ng mga pasahero na nag-aantay ng mga biyahe sa overnight bus, kasama nang nagmamay-ari ng mga malls at mga operator ng ibang mga lugar na inaasahan ni Iwana na mag-host sa kanyang mga mobile show.

“Kailangan naming magkaroon ng mga bagay na maaari naming gawin kahit saan, at ang mga kabaong ay madaling ilipat. Ang kailangan mo lang gawin ay ilagay ang mga ito sa isang madilim na silid,” sabi ni Iwana. “Magandang negosyo para sa amin at kasiya-siya naman para sa aming mga kostumer.”

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund