Ang dating Punong Ministro ng Hapon na si Mori Yoshiro at isang pangkat ng mga mambabatas ng Hapon ay bumisita sa Taiwan upang mag-bigay respeto kay dating Pangulong Lee Teng-hui, na namaalam noong nakaraang buwan.
Si Mori at ang mga miyembro ng isang nonpartisan group na nagtatrabaho para sa pakikipagpalitan sa Taiwan ay gumawa ng isang araw na paglalakbay nitong Linggo.
Nag-iwan ng mga bulaklak si Mori sa memorial site sa Taipei at naghandog ng pakikiramay sa mga miyembro ng pamilya ng namatayan.
Sinabi ni Mori na siya at si Lee ay may sariling mga posisyon, ngunit ang kanilang pagkakaibigan at paggalang sa isa’t isa ay hindi kailanman nawala.
Sinabi niya na nakita niya ang maraming mga tao sa Tokyo na nag-alay ng mga panalangin para kay Lee at umaasa para sa mas malalim na ugnayan sa pagitan ng Japan at Taiwan.
Idinagdag niya na ang kanyang pakikipagkaibigan kay Lee ay maipapamana sa susunod na henerasyon at ang magandang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng Japan at Taiwan ay lalo pang mapagtibay.
Ang dating punong ministro ay may malapit kaugnayan sa yumaong pangulo. Inayos niya ang isang visa para kay Lee noong siya ay dumating sa Japan noong 2001 matapos siyang magretiro bilang pangulo.
Nakilala din ni Mori si Pangulong Tsai Ing-wen noong Linggo ng hapon.
Ang gobyerno ng Japan ay hindi magpapadala ng isang delegasyon dahil ang Japan at Taiwan ay walang opisyal na diplomatikong relasyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation