Share
TOKYO – Inaasahang iaanunsyo ng Punong Ministro ng Japan na si Shinzo Abe ang kanyang pagbibitiw sa pwesto sa kadahilanan ng paglala ng kundisyon ng kanyang kalusugan at magiging mahirap na magpatuloy siya sa serbisyo.
Ang punong ministro, na ilang linggo na lamang ay ipagdiriwang ang kanyang ika-66 na kaarawan, ay nagpasya ng kanyang pag resign matapos na magpa check sa hospital ng dalawang beses.
Ang kanyang gabinete ay magbibitiw din sa puwesto sa lalong madaling panahon once na ang naghaharing Liberal Demokratikong Partido ay makapili na ng bagong pangulo. Ang partido ay malamang na gaganapin ang pagboto sa Setyembre.
Nhk world
Join the Conversation